Duterte Gov't Magbibigay ng P16-M Tulong sa Nasalanta ng Lindol at Tsunami sa Indonesia






Nitong nakaraang Setyembre 28 niyanig ng isang malakas na lindol at pagkatapos ay tsunami ang Indonesia na naging sanhi ng pagkasawi ng 2000 katao at pagkasira ng napakadaming tahanan at gusali.


Kahit na biktima rin ang Pilipinas ng sunod sunod na kalamidad nitong taon, hindi ito hadlang upang magbigay tulong sa ating kapwa bansa sa South East Asia.

Inaasahang magbibigay ang Duterte government ng $300,000 dolyar o mahigit sa P16M halaga ng donasyon para sa mga biktima ng lindol at tsunami sa bansang Indonesia.


Maliban dito, nagpadala rin ng isang C-130 na eroplano ang ating bansa para tumulong sa relief operations sa lugar ng sakuna.


Source: Facebook


Loading...