Ipinasa na ni Dr. Willie Ong ang kanyang COC nitong Huwebes unang araw ng pag-file ng certificate of candidacy para sa senador sa 2019 midterm elections. Sa interbyu, sinabi ni Ong na itutulak niya ang libreng mga laboratory test sa ilalim ng PhilHealth, libreng konsulta sa kalusugan, mas mamura at mabisa na gamot para sa publiko at pinabuting mga pasilidad at kagamitan sa pangangalaga ng kalusugan. “Ano isusulong natin? ‘Yung GOAL. ‘Yung ‘G’, Gamot. Dapat mas mura siya, or libre … Uulitin natin ‘yung cheap medicines bill. ‘Yung ‘O’, simpleng Operasyon like sa goiter, gall bladder, luslos … Gusto natin magawang package ‘yan, maoperahan natin,” “‘A’, sa Advice. ‘Yung ginagawa natin sa Facebook. Kailangan mas malawak, mas simple, mas direct … And ‘L’, Lab test. Kailangan ilibre ng PhilHealth.” “Ang health hindi siya ganon kasimple. Sasabihin mo libreng gamot, libreng operasyon, mayroon kang complication … Kailangan marunong ka para ipasa,” “Nakita ko ‘yung butas ...