“Isa Itong Indikasyon na may Malubha Siyang Sakit” –Gary Alejano






May nasilip naman ang isang kritiko ng kasalukuyang Administrasyon na si Magdalo Rep. Gary C. Alejano para batikusin ang pagbisita ni pangulong Duterte sa Hong Kong.


Ayon kay Gary Alejano ang pagsusuot ng face mask ni Pangulong Duterte sa Hong Kong ay indikasyon na may malubha itong karamdaman.

Loading...


“Nakatakip ang mukha ng pangulo ng mask. Isa itong indikasyon na may malubha siyang sakit na iniiwasang maimpeksiyon,” sabi ni Alejano.

Naniniwala ako na ang pagsuot ng mask ay hindi para ikubli ang pagkatao ng Pangulo dahil kilala naman ng libu-libong Pilipino sa Hong Kong si SAP Bong Go, Honeylet Avanceña at ang anak nito, pati ang halos dalawampung security escorts na kasama ng pangulo,” 


Hinimok din niya ang Malacanang na wag itago ang tunay na kalagayan ng Pangulo dahil ang mga tao ay may karapatang malaman ang tunay na kalusugan ng Pangulo.

“Muli, nanawagan ako sa Malacañang na isa-publiko ang tunay na estado ng kalusugan ng pangulo. Nais natin na malusog siya at nasa tamang kondisyon at pag-iisip upang maharap niya ang samu’t saring problema na kinakaharap ng bansa ngayon,” Dagdag ni Alejano.

Nitong Martes, inihayag ni SAP Bong Go na ang Pangulo ay "walang kanser" at kayang tapusin ang kanyang termino.

“Sorry to disappoint his critics, the President is very healthy and in high spirits. I know for a fact that he is cancer-free,” Sabi ni Go sa mga reporters.


Loading...