Jackpot Prize Pumalo sa 1Billion Pesos. PCSO, Nagpa-Alala sa mga Tumataya ng Ultra Lotto






Nagpaalala ang PCSO na panatilihing nasa maayos na kondisyon ang mga winning tickets.


Ito ay kasabay ng pagpalo sa 1 bilyong piso ng jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Loading...

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan  kahit hindi man makuha ang buong anim na digit, maari pa ring makauwi ng consolation prize kapag nakuha ang tatlo hanggang sa limang combinations.

Para makuha ang premyo, kailangang magdala ng dalawang valid ID, at ipakita ang winning ticket sa prize claim section ng accounting and budget department ng PCSO headquarters sa Mandaluyong City.

Read Full Post


Loading...