Kailangan May Doktor sa Senado | Doc Willie Ong Tatakbo sa Senado
Ipinasa na ni Dr. Willie Ong ang kanyang COC nitong Huwebes unang araw ng pag-file ng certificate of candidacy para sa senador sa 2019 midterm elections.
Sa interbyu, sinabi ni Ong na itutulak niya ang libreng mga laboratory test sa ilalim ng PhilHealth, libreng konsulta sa kalusugan, mas mamura at mabisa na gamot para sa publiko at pinabuting mga pasilidad at kagamitan sa pangangalaga ng kalusugan.

“Ano isusulong natin? ‘Yung GOAL. ‘Yung ‘G’, Gamot. Dapat mas mura siya, or libre … Uulitin natin ‘yung cheap medicines bill. ‘Yung ‘O’, simpleng Operasyon like sa goiter, gall bladder, luslos … Gusto natin magawang package ‘yan, maoperahan natin,”
“‘A’, sa Advice. ‘Yung ginagawa natin sa Facebook. Kailangan mas malawak, mas simple, mas direct … And ‘L’, Lab test. Kailangan ilibre ng PhilHealth.”
“Ang health hindi siya ganon kasimple. Sasabihin mo libreng gamot, libreng operasyon, mayroon kang complication … Kailangan marunong ka para ipasa,”
“Nakita ko ‘yung butas sa Senate, wala tayong doktor doon. Walang doktor doon na nagsusulong sa Committee on Health katulad ni Senator Juan Flavier,”
“Kapag napuntahan mo ‘yung mahirap na pasyente, maaawa kayo, matatransform kayo. Gusto natin tumulong, natry ko sa private, natry ko sa media, natry ko sa DOH (Department of Health), ito ang kailangan ngayon ng tao,”
Loading...