Kawawang OFW Pinapatulog Lang sa Labas ng Amo at Pinapakain ng Tira-tirang Pagkain






Isang netizen ang muling nanawagan ng tulong sa pamamagitan ng social media. Ang nakatatandang kapatid ni Yenoh Mehi Qoh na kinilalang si Jean Bendal ay sinasabing lumipad papuntang Saudi para makipagsapalaran at magtrabaho bilang isang kasambahay.


Ayon sa post ng dalaga, ang ate nito ay 3 buwan nang naninilbihan sa Saudi Arabia ngunit minalas na mapunta sa isang malupit na amo.

Sa mga ipinakitang litrato, makikitang natutulog sa labas ang kanyang ate at tila kung anong pagkain ang ibinibigay dito. Ang kwento ay nakarating sa kanila sa pamamagitan ng isa pang kapwa Pinoy na tumutulong sa ate nito.

Loading...




Ito din ang kumuha ng mga litrato upang patunay sa pinagdaraanan ng kapatid. Aniya, isang beses lang din sumahod ang kapatid sa loob ng 3 buwan na paninilbihan nito.

Sinubukan nilang ilapit ang problema ng kapatid sa ahensya na tumulong para makaalis ito ngunit hindi sila natulungan bagkus nagsuhestyon na sabihin nalang sa kapatid nito na tumakas nalang.

Ang problema nila ay kinumpiska din ng amo na Arabo ang telepono at pasaporte ng ate niya, kaya naman hindi ito lubusang makaalis. Dagdag pa, nahihirapan tumakas si Jean dahil mala-iskwater ang labas ng compound na pinagtratrabahuan nito, delikado para sa isang tao o dayuhan.


Loading...