Mga Ballot Boxes Pinabayaang Nakatiwangwang sa Labas ng Bodega sa Laguna Sira-Sira Na!
"COMELEC WAGAS KUNG MAGWALDAS NG PERA NG BAYAN"
-Atty. Glenn Chong

Ito ang kalagayan ng mga ballot boxes na binili ng Comelec mula sa Smartmatic para sa 2010 at 2016 elections. Pinabayaan lamang na exposed to the elements at masira sa labas ng Comelec warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.
Loading...
Sumubra ng 25,256 ballot boxes na nagkakahalaga ng P60.5 milyon ang binili ng Comelec sa Smartmatic. Malamang, itatambak na naman ang excess ballot boxes na ito na parang basura sa harapan at likuran ng kanilang bodega.
Wagas talaga kung magtapon ng pera ng bayan ang Comelec na ito. At ang tumatanggap ng itinatapong pera natin ay ang kakunchaba nitong Smartmatic. Ang tindi talaga ng kasamaan ng riding in tandem na ito! Komisyon lang ang habol ng mga traydor sa bayan!
Napag-alaman din natin na sa pre-bid conference ng proyektong ito, hindi pinayagan ng Comelec Bids and Awards Committee ang hiling ng kalaban ng Smartmatic na makipag-joint venture ito sa mga plastic mold manufacturers tulad ng Cofta Mouldings Corporation (tigagawa ng Cofta chairs).
Pero pinayagan ang Smartmatic kahit pa wala itong sariling plastic mold manufacturing facility. Pinapagawa lamang ng Smarmatic sa isang pabrika sa China ang mga ballot boxes na ito. Kaya ayan, Smartmatic na naman ang nanalo sa bidding ng mga ballot boxes.
Source: Glenn Chong
Loading...